Nangako ang bagong kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) na si Juanito Victor “Jonvic” Remulla na personal na pangungunahan ang pagpapasara sa mga Philippine offshore gaming operators (Pogos) na mayroon pang operasyon bago matapos ang taon, kung saan uunahin ang nasa Island cove, na dati nilang pagmamay-ari hanggang sa maibenta noong 2018.
Sibabi ni Remullla, ang Pogo sa nasabing isla ang una niyang ipapasara at nilinaw na hindi na nila pagmamay-ari ang nasabing property.
Ayon sa kanya, personal niyang bibisitahin ang bawat Pogo para isara ang mga ito.
Sinabi niya na wala siyang pakialam kung ang mga Pogo ay pagmamay-ari ng Chinese o Filipino.
Samantala, sinabi ni Remulla na hindi siya magsasagawa ng balasahan sa mga key officials sa Philippine National Police sa ngayon, subalit magrerekomenda siya ng “structural changes.”
Kasabay nito, sinabi ni Remulla na pinili niya ang posisyon bilang kalihim ng DILG sa halip na ituloy ang kanyang reelection bilang gobernador ng Cavite matapos na makatanggap ng tawag tungkol sa alok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Pinalitan ni Remulla si dating DILG Secretary Benhur Abalos na kumandidato sa pagka-senador.