Inihayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla na kung siya magdedesisyon, kailangan munang magbalik ng $1 billion o P59 billion bago ikonsidera ng pamahalaan ang pakikipagnegosasyon sa kanya.

Una rito, sinabi ni Remulla na nagpadala ng “feelers” o nagpahiwatig ng intensyon si Co na magkaroon ng dayalogo sa mga awtoridad ng bansa.

Kasabay nito, sinabi ni Remulla na nasa pagpapasiya ng Ombudsman kung makikipagnegosasyon kay Co.

Subalit kung siya ang masusunod, kailangan munang magbalik si Co ng P59 billion para magkaroon ng pag-uusap.

Ipinaliwanag niya na ito ay dahil pera ng taumbayan ang kanyang kinuha, na dapat lamang na maibalik.

-- ADVERTISEMENT --

Iginiit ng pamahalaan na puwede nilang atasan ang mga personalidad na sangkot sa mga maanomalyang flood control projects na magbalik ng pera o assets na kinuha umano nila sa iligal na paraan, lalo na kung ikinokonsidera sila na state witness sa mga kaso.

Si Co ang dating chairman ng makapangyarihan na House appropriations panel at inakusahan ng pagsisingit ng bilyong-bilyong piso na pondo sa imprastraktura.

Sinabi ni Remulla na nasa Portugal pa rin si Co at may hawak umano siya na Portuguese visa maliban sa “golden visa.”