Sinusuri ng Department of the Interior and Local Government o DILG ang gaming at messaging history ng batang suspek sa shooting sa Ateneo de Zamboanga University upang matukoy ang posibleng dahilan at buong konteksto ng insidente.

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, kabilang sa forensic analysis ang pagsusuri sa gaming history, chat records at iba pang digital information ng shooter.

Nakita rin sa mga kuha na nag-live stream umano ang suspek habang isinasagawa ang pamamaril na tila first-person view ng isang video game.

Dalawang katao ang nasawi sa insidente—isang estudyante at ang mismong shooter.

Patuloy ding iniimbestigahan kung paano niya naipasok sa paaralan ang dalawang baril.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, inalis sa puwesto ang isang opisyal ng Bureau of Customs na ama ng shooter matapos mapag-alamang isa sa mga baril na ginamit ay pag-aari niya.

Nanawagan naman si Remulla sa publiko na unahin ang kaligtasan ng mga bata at maging responsable ang mga gun owner sa pag-iingat ng kanilang mga armas.