
Sa Facebook post, binalikan ni Dantes ang una nilang pagkikita noong early 2000s at ang kanilang pagkakaibigan na nabuo dahil sa mga usapin tungkol sa kabataan at bansa.
Ayon sa aktor, nakita niya sa paglipas ng mga taon ang seryosong hangarin ni Cua na maglingkod sa publiko at inilarawan niya ito bilang mabait, tunay at maaasahang kaibigan.
Pahayag ni Dantes na si Gov. Dax ay dakila ang hangarin para sa bayan, at higit sa lahat, dakila ang kanyang puso.
Si Cua ay pumanaw nitong Martes sa edad na 48. Hindi pa inilalabas ng pamilya ang sanhi ng kaniyang pagkamatay.





