
Nailigtas ang isang 26-anyos na Chinese national sa isang condominium sa Parañaque City matapos umanong dukutin.
Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO), nagsagawa ng rescue operation ang mga awtoridad matapos makatanggap ng ulat sa PNP Hotline Facebook page.
Nakita ang biktima sa isang unit sa Barangay Don Galo noong Sabado kasama ang apat na lalaki at isang babaeng dayuhan na mga suspek.
Lumabas sa paunang imbestigasyon na diumano’y dinitine ang biktima mula Disyembre 9 at humingi ang mga suspek ng P1 million bilang ransom para sa kanyang pagpapalaya.
Ayon sa biktima, P500,000 na ang naibigay sa kanila.
Nasa kustodiya na ngayon ang mga suspek para sa tamang imbestigasyon.
kaugnay nito, sinabi ni NCRPO regional director Police Major General Anthony Aberin, na ang pagkakaligtas sa biktima ay bunga ng agarang pagbibigay ng impormasyon ng mga mamamayan.










