
Iginiit ni Akbayan party-list Rep. Chel Diokno na magiging paglabag sa Konstitusyon kung agad na ibabasura ng Senado ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte matapos mag-convene bilang impeachment court.
Ayon kay Diokno, malinaw sa Konstitusyon na obligasyon ng Senado na litisin ang kaso sa oras na matanggap nito ang articles of impeachment.
Sinabi rin niya na ang salitang conduct a trial forthwith ay nangangahulugang kinakailangang ilatag ang mga ebidensya, testigo, at dokumento kaugnay ng kaso.
Samantala, sinabi rin ni Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña na mahalagang matuloy ang impeachment trial upang mapanatili ang integridad ng Senado.
Naniniwala si Cendaña na ang mga nangyaring kaguluhan sa Senado noong nakaraang linggo ay may layuning protektahan si Vice President Duterte.
Nauna nang inanunsyo ni Senate President Alan Peter Cayetano na magco-convene ang Senado bilang impeachment court sa Lunes, Mayo 18, o sa lalong madaling panahon.
Ayon naman kay Diokno, wala pa silang natatanggap na notice to appear mula sa Senado para sa nakatakdang pag-convene ng impeachment court.










