TUGUEGARAO CITY – Handang sagutin ni incoming Integrated Bar of the Philippines (IBP) President Atty. Domingo Egon Cayosa ang isinampang disbarment case laban sa kanya at kay outgoing President Abdiel Dan Fajardo.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Atty. Cayosa na hindi pa niya natatanggap ang kopya ng reklamo na inihain ng Kabalikat Party-list sa Korte Suprema .
Iginiit ni Cayosa na walang pahintulot mula sa kanya o sa IBP Board of Governors nang gamitin ang pasilidad ng IBP sa press-conference noong Lunes ni Peter Joemel Advincula alyas “Bikoy” na nasa serye ng anti-Duterte videos.
Dahil dito, ipinag-utos na ni Cayosa ang pormal na imbestigasyon upang matukoy ang nasa likod ng press conference at sinigurong mananagot ang sinuman.
Binigyan diin ni Cayosa na pinapngalagaan nila ang integridad at imahe ng IBP at hindi tama na gamitin ang kanilang opisina sa pamumulitika, partisan o sa pansariling interes.