Isang disbarment complaint ang inihain laban kay dating presidential spokesperson Harry Roque kaugnay sa malisyosong Facebook post na nag-uugnay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa “polvoron video.”

Inihain ni acting Cabinet secretary Melvin Matibag ang disbarment complaint laban kay Roque sa Supreme Court.

Tinawag naman ito ni Roque na nais lamang ni Matibag na makakuha ng atensiyon ng publiko.

Patuloy din ang pag-akusa ni Roque sa House of Representatives Quad Committee ng pagdurog sa kanya dahil sa polvoron video.

Sinabi naman ni Matibag na napatunayan na peke ang nasabing video.

-- ADVERTISEMENT --

Idinagdag pa niya na na magkaibigan sila ni Roque, at ang kanyang ginawa ay walang kinalaman sa pulitika o hindi ito personal.

Ipinaliwanag ni Matibag na nais niyang tulungan ang justice system na magkaroon ng jurisprudence para sa kanila na mga abogado upang malsibing giya sa kanilang mga dapat gawin sa social media.

Naniniwala din siya na dapat na ipataw kay Roque ang “maximum penalty”, kaya naghain siya ng disbarment complaint, dahil si Rouqe ay eksperto naman sa mga batas.