Ipinag-utos ng Ombudsman ang dismissal ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kasunod ng mga imbestigasyon sa koneksion niya sa umano’y illegal Philippine offshore gaming operator (Pogo) sa kanyang bayan.
Base sa 25 pahinang kautusan na inilabas ng Ombudsman, napatunayan na guilty si Guo sa grave misconduct, na nangangahulugan ng “dismissal from service with forfeiture of all her retirement benefits and perpetual disqualification to re-enter government service.”
Sa ibang banda, napatunayang guilty sina Municipal Business Permits and Licensing Office officer Edwin Campo at Municipal Legal Officer Adenn Sigua, kasama ang 10 iba pa sa conduct prejudicial to the best interest of service na kaukulang parusa na tatlong buwang suspension.
Matatandaan na ipinag-utos ng Ombudsman ang suspension ni Guo noong Hunyo kasunod ng mga reklamo na inihain ng Department of Interior and Local Government (DILG).