Target ng Department of Health na makumpleto na ang distribusyon ng mobile primary care facility para sa 83 lalawigan sa buong bansa bago matapos ang buwan ng Hulyo.
Ayon kay DOH Undersecretary Dr. Glenn Mathew Baggao, per batch ang pamamahagi ng naturang pasilidad sa bawat Provincial Health Office kung saan inuna ang mga lalawigan mula sa Region 1, 2, 3 at Cordillera Administrative Region.
Naglalayon ito na maghatid ng libreng serbisyong medikal, lalo na sa mga liblib na komunidad.
Ang nasabing mobile clinic ay may sariling generator at naglalaman ng mga laboratoryo tulad ng x-ray machine, ECG test, ultrasound, at maraming iba pa.
Bukod dito, sinabi ni USEC Baggao ang pagtatayo ng Bagong Urgent Care and Ambulatory Services (BUCAS) Center sa bayan ng Amulung at Sta Teresita, Cagayan.
Itoy magiging outpatient department na layong maibsan ang dami ng pasyente sa malalaking hospital sapagkat ang mga nangangailangan ng pangunang lunas ay maaaring magpunta sa BUCAS center.