TUGUEGARAO CITY- Binigyan diin ng isang pastor ng isang religious group na hindi solusyon sa hindi na magandang pagsasama ng mag-asawa ang divorce.

Reaksion ito ni Pastor Nards Bondoc ng Lord of the Nation Ministries sa pagtalakay ng senado sa divorce bill.

Iginiit ni Bondoc ang nakasaad sa bibliya na hindi maaaring maghiwalay ang pinagsama ng Diyos sa pamamagitan ng isang kasal.

Sinabi ni Bondoc na maaari namang sumailalim sa counselling ang mag-asawa kung mayroon silang problema upang ito ay maayos.

Ayon kay Bondoc, magkakaroon ng epekto sa pamilya lalo na sa mga anak ang paghihiwalay ng mag-asawa at hindi rin ito maganda sa pamayanan.

-- ADVERTISEMENT --

Kasabay nito, sinabi ni Bondoc na sa issue ng domestic violence o pang-aabuso ng lalaki sa kanyang asawa, pansamantala lang ang kanilang paghihiwalay hanggang sa matanggap ng bawat isa ang kanilang pagkakamali upang ito ay maitama.

ang tinig ni Bondoc