Nagpaigting ng seguridad ang De La Salle University-Dasmariñas o DLSU-D matapos kumalat sa social media ang ulat tungkol sa umano’y mass shooting sa lungsod.

Ayon sa Dasmariñas City Police, walang factual basis ang naturang ulat matapos itong beripikahin at imbestigahan.

Sinuspinde naman ng unibersidad ang mga nakatakdang pagsusulit at group activities ngayong October 1 bilang pag-iingat.

Nilinaw din ng paaralan na hindi umano affiliated dito ang faculty member na binanggit sa kumakalat na impormasyon.

Samantala, sinabi ng pulisya na hiwalay na insidente ang pagkakatagpo sa isang patay na tao sa loob ng sasakyan sa DLSMHSI compound noong Miyerkules ng gabi.

-- ADVERTISEMENT --

Hinimok ng mga awtoridad ang publiko na manatiling kalmado at umasa lamang sa beripikadong impormasyon mula sa mga opisyal na awtoridad.