Tinanggihan ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang holiday ceasefire sa pagitan ng militar at communist rebels bilang tugon sa katulad na pahayag ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Binigyang-diin ni Teodoro na ang ceasefire sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (NPA)-National Democratic Front ay isang ceasefire laban sa mga terorista at mga kriminal.

Ayon sa kanya, ito ang paraan ng nasabing grupo upang makahanap ng kahalagahan sa national political ecosystem.

Una rito, sinabi ng CPP, na gugunitain ang kanilang 56th anniversary sa december 26 na hindi sila magdedeklara ng ceasefire bunsod na rin umano ng patuloy na pag-atake ng tropa ng pamahalaan.

Sinabi ni CPP spokesperson Marco Balbuena, na ang malawakang military deployments ng Armed Forces of the Philippines sa lahat ng rehion sa bansa ay pagpapakita na walang katotohanan ang pahayag na iisa na lamang ang guerilla front.

-- ADVERTISEMENT --

Una rito, sinabi ng AFP na iisa na lamang ang guerilla front at wala na itong kakayahan na maglunsad ng malalaking pag-atake.