Naghain ang kampo ng nakakulong na si Pastor Apollo Quiboloy ng petisyon na ilagay ang religious leader sa house arrest o ilipat siya sa kustodiya ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Tinukoy ni Atty. Israelito Torreon, legal counsel ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang seguridad at edad ng kanyang kliyente sa inihain na petisyon.

Binanggit ni Torreon ang advocacy ni Quiboloy laban sa New People’s Army (NPA) na pangunahing banta sa seguridad ni Quiboloy.

Subalit agad na tinanggihan ng Department of National Defense ang panawagan ni Torreon.

Sinabi ni DND spokesperson Arsenio Andolong na tututulan nila ang anomang mosyon na ilipat sa kustodiya ng AFP si Quiboloy.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, nasa ilalim ng mahigpit na operational security protocols ang mga pasilidad ng AFP, kaya hindi ang AFP ang tamang ahensiya na para ilagay sa kustodiya ang mga taong may mga kasong criminal.

Nakaditine si Quiboloy, kasama ang apat ba iba sa Philippine National Police (PNP) custodial center.