Minamadali na ng Department of Energy (DOE) ang pagbabalik ng supply ng kuryente bago mag-Pasko sa mga lugar na hinagupit ng bagyo.
Ayon kay Energy Usec. Wimpy Fuentebella, partikular na pina-prioritize nila ang vital facilities tulad ng mga ospital, command center, commercial establishments kasama na ang mga bangko.
Tiniyak din ni Fuentebella na walang oil facilities na napinsala ng Super Typhoon Pepito.
Kumpiyansa rin ang DOE na mas maagang maibabalik ang supply ng kuryente sa Catanduanes, dahil hindi napinsala ng bagyo ang mga planta sa isla.
Tiniyak din ni Fuentebella na sapat ang supply ng kuryente sa bansa bagama’t may mga nasirang transmission lines.
Sa ngayon aniya, isang transmission line na lamang ang tinututukan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at ito ay ang linyang patungo Aurora.
Samantala, kinumpirma ng Energy Department na 89% nang naibalik ang supply ng kuryente sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Nika.