Nangako si Finance Secretary Ralph Recto na tutulungan ng ahensiya ang mga Pilipino na mawawalan ng trabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (Pogos) na makahanap ng bagong trabaho.
Ito ay kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikatlong State of the Nation Address Monday sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) na tapusin na ang operasyon ng mg Pogos ngayong taon.
Sinabi ni Recto na nagsumite siya ng cost-benefiot analysis na nagrerekomenda sa pagbabawal ng Pogo operations sa bansa bunsod ng hindi magandang dulot nito sa ating bansa.
Batay sa pagtaya ng Department of Finance, ang net cost ng Pogo operations ay P99.52 billion bawat taon habang ang tinatayang halaga ng economic benefits ay umabot sa P66.49 billion bawat taon.
Ang economic benefits ay sa government revenues, tulad ng tax revenues mula sa Bureau of Internal Revenue maging ang gross gaming revenues mula sa Pagcor.
Ang iba pang tinatayang direct economic benefits ay kinabibilangan ng kita mula sa opisina at residential space rentals, transportation, at ang karagdagang demand mula sa private consumption ng mga empleyado at entities.
Subalit, sinabi ni Recto na ang estimated total economic costs ay nagkakahalaga ng P265.74 billion bawat taon.
Dagdag pa sa cost-benefit analysis ng DOF, ang mga krimen na iniuugnay sa Pogos ay nagdudulot din ng negative impact sa kagandahan ng bansa bilang tourist destination.
Sinabi pa ni Recto na nagdudulot din ng social cost ang Pogos na kinabibilangan ng pagkawala ng buhay at physical at psychological harm sa mga biktima ng criminal activities.
Kasabay nito, sinabi ni Recto na suportado niya ang direktiba ni Marcos na ipagbabawal na ang Pogos sa bansa.