photo credit: animal kingdom foundation

TUGUEGARAO CITY-Muli na naman umanong bumabalik ang dog meat trading matapos na luwagan ang community quarantine dahil sa covid-19 sa buong bansa.

Sinabi ni Atty. Heidie Caguiao, program director ng Animal Kingdom Foundation na kamakailan lang ay nakahuli sila ng isang suspect na sangkot sa pagkatay at pagbebenta ng karne ng aso.

Bukod dito, nakuha nila sa suspect ang isang aso na ginawang litson na agad din nilang inilibing.

Ayon sa kanya, kinasuhan ang nahuli ng paglabag sa Animal Welfare Act at National Meat Inspection Service Code.

Tinig ni Atty. Heidie Caguiao

Kaugnay nito, sinabi ni Caguioa na mas hinigpitan pa nila ang kanilang surveillance at pag-rescue sa mga minamaltrato na mga hayop tulad ng mga aso.

-- ADVERTISEMENT --

Kasabay nito, sinabi niya na hindi dahilan ang nararanasang epekto ng pandemya para ibaling ang atensiyon sa pagkatay ng mga hayop upang kumita.with reports from Bombo EFREN REYES Jr.