Nagiging sikat ngayon sa China ang pet weddings o kasalan ng mga alagang hayop.

Ito ay sa gitna ng kabiguan ng China na hikayatin ang kanilang mga mamamayan na magpakasal dahil sa mabilis na pagtanda ng kanilang populasyon at nananatiling mababa ang kanilang marriage at birth rates.

Dumarami na ang nagkakaroon ng mga alagang aso at pusa sa China at handa sila na gumastos ng malaki.

Sa katunayan, tumaas sa 3.2 percent o 279.3 billion yuan ($38.41 billion) ang halaga ng mga biniling mga aso at pusa noong 2023 kumpara sa nakalipas na taon.

Noong 2023, may mahigit 116 million na mga aso at pusa sa urban China, batay sa data mula sa research frim Acuity Knowledge Partners.

-- ADVERTISEMENT --

Nangangahulugan ito na isa sa walong Chinese ang may aso o pusa, at ang mayorya ng mga ito ay edad 40 pababa.

Tulad din ng mga kasal ng tao, kumpleto din ng mga bulaklak, white lace gown, may picture taking at wedding cakes ang kasal ng mga aso at pusa sa China.