Binigyang diin ng Department of Health (DOH) ang kahalagahan ng pagbabakuna kasabay ng pagkakatuklas ng omnicron variant ng COVID-19.

Kasabay ng pagbisita ni DOH ASec. Dr. Kenneth Ronquillo upang saksihan ang unang araw ng National Vaccination Day sa Rehiyon ay inihayag nito na ang pagbabakuna ay ang pinakamabisang tugon upang protektahan ang sarili laban sa variants ng COVID-19.

Saad niya ay wala pa namang natutuklasan ang mga experto sa bansa na kaso ng omicron variant.

Kabilang aniya sa hakbang na ilalatag ng kagawaran ay ang pagkakaroon ng genome sequencing upang mabantayan kung nakapasok na sa bansa ang pinangangambahang bagong variant ng virus.

Payo nito sa publiko na panatilihin pa rin ang pagsunod sa mga minimum health standards tulad ng pagpapanatili sa malinis na pangangatawan, pamalagiang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at alcohol kasama na ang pagsunod sa social distancing.

-- ADVERTISEMENT --

VC RONQUILLO NOV30

Matatandaang unang na-detect ang omicron variant sa South Africa noong November ng at iniulat sa World Health Organization noong November 21 at itinuturing din itong variant of concern dahil na mas mapanganib kaysa sa Delta variant.