Inaasahang ilalabas na sa Agosto ang kabuuang limang milyong dose ng flu vaccine matapos isapinal ng Department of Health (DOH) ang kanilang procurement.
Ayon sa pahayag ng DOH, ang mga flu vaccine na ito ay inaasahang maidedeliver sa pagpasok ng Agosto.
Layon ng health department na gamitin ang mga bakunang ito para sa mga senior citizen sa bansa.
Ang programa ng vaccination para sa mga senior ay magpapatuloy hanggang sa huling bahagi ng 2023, ayon pa rin sa DOH.
Isinusulong ng ahensya na maibigay ang proteksyon laban sa influenza sa mga mahihirap na senior citizen sa pamamagitan ng flu vaccine na inaasahang ilalabas sa mga darating na buwan.
-- ADVERTISEMENT --