Tugeugarao City- Nagpaalala ang Department of Health (DOH) Region 2 sa pagkain ng mga exotic foods
ngayong panahon ng tag-ulan.
Sa panayam kay Nerisa Malabad, Nutritionist ng kagawaran, mayaman sa protina at cholesteroal contents
na may magandang dulot sa katawan ang mga exotic foods ngunit dapat na limitahan lamang ang pagkain sa
ilan sa mga ito.
Maganda naman aniya ang protina at calcium na taglay ng palaka, native kuhol at iba pa ngunit
nakadepende rin sa paraan ng pagluluto at inilalagay na mga sangkap na maaaring makapagpataas ng
cholesterol contents.
Kabilang aniya sa mga may matataas na cholesterol contents ay ang mga cultured kuhol, salagubang,
balot at iba pa kaya’t inirerekomenda ang katamtaman lamang na pagkain dahil maaari itong magdulot ng
highblood.
Ipinaalala rin nito na mag-ingat din sa panghuhuli nito dahil marami rin sa mga exotic foods ang
nakakalason kung kinain habang ang iba ay maaari namang magdulot ng allergic reactions sa katawan ng
taong hindi sanay sa pagkain nito.