TUGUEGARAO CITY0- Naniniwala ang Ang NARS Party-list na may kapabayaan ang Department of Health sa muling pagkakaroon ng kaso ng polio sa bansa matapos ang halos dalawang dekada.
Sinabi ni Ang NARS Party-list Representative Dr. Leah Paquiz nagkaroon umano ng pagkukulang ang DOH sa pagbabakuna laban sa polio.
Dahil dito, sinabi ni Paquiz na dapat na ibalik ng DOH at iba pang line agencies ang malawakang pagbabakuna hindi lamang laban sa polio kundi maging sa iba pang nakakahawa at nakamamatay na sakit.
Idinagdag pa ni Paquiz na dapat na magkaroon ng information dessimination ang DOH upang maipabatid sa publiko lalo na sa mga magulang ang magandang epekto ng pagpapabakuna sa kanilang mga anak.
Ito ay upang mabago ang pananaw ng publiko laban sa mga bakuna dahil sa pangamba bunga ng kontrobersiya na idinulot ng dengvaxia vaccine.