Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa kumakalat na fake news sa social media na nagsasabing nagpapalaganap ng stigma tungkol sa HIV.

Ito ay kasunod ng isinawagang medical examination at HIV testing sa isang Russian vlogger na si Nikita Chekhov, na inaresto noong Enero 21 matapos mag-post online na umano’y magpapakalat ng HIV sa Pilipinas.

Pinaalalahanan ng ahensya ang publiko na umiwas sa pagre-repost ng mga unverified information sa social media dahil maaari itong magdulot ng takot, diskriminasyon, at kalituhan sa mga taong may HIV.

Samantala, tiniyak naman ng DOH na nagpapatuloy ang kanilang libreng HIV services sa 323 care facilities sa bansa, kabilang ang 187 treatment hubs.

Batay sa pinakahuling datos ng ahensya, umabot na sa 149,375 ang mga naitalang kaso ng HIV sa Pilipinas at 99,696 o 67% dito ay naka-enroll sa antiretroviral therapy.

-- ADVERTISEMENT --