TUGUEGARAO CITY- Nagpaliwanag ang Department of Health Region 2 sa pagpapabayad sa mga nagpapa-HIV screening na gagamitin para sa kanilang pagpunta sa abroad.
Sinabi ni Michael Tabueg, STI/HIV coordinator ng DOH Region 2 na matagal nang patakaran ang pagsingil nila ng P475 sa mga nagnanais na mangibang bansa.
Ayon sa kanya, kasama na sa nasabing halaga ang pathological testing, processing at iba pang fees.
Idinagdag pa ni Tabueg na aabutin ng 2 hours bago mailabas ang resulta ng HIV screening ng mga mag-aabroad dahil sa maraming departamento ang dadaanan nito.
Sinabi pa niya na hindi maaaring ibang tao ang kukuha ng HIV result kundi ang mismong nagpasailalim sa HIV screening.
Reaksion ito ni Tagueg sa mga reklamo na sinisingil ang mga nagpapasailalim sa HIV screening na gagamitin ito sa kanilang pangingibang bansa habang libre naman sa mga nagnanais lang na malaman kung sila ay nakapitan ng nasabing sakit.