TUGUEGARAO CITY-Nagpatawag ng pagpupulong ang Department Of Health (DOH)-Region 2 at ipinaliwanag ang proseso sa pag-screen sa mga indibidwal na papasok sa rehiyon na makitaan ng sintomas ng novel Coronavirus (nCoV).

Kasama sa pagpupulong ang mga pamunuan ng terminal buses sa rehiyon, Office of Civil Defense, mga kinatawan ng mga district hospital at ang Cagayan Economic zone Authority (CEZA).

Ayon kay Pauleen Atal ng DOH RO2, layon nitong bigyan ng kaalaman ang mga nasabing pamunuan kung sakali na may makitaan ng sintomas ng nCoV sa mga nasasakupang lugar.

Aniya, ang nasabing hakbang ay para matiyak na walang makakapasok na may nCov sa rehion.

-- ADVERTISEMENT --

samantala, sinabi ni Atal na nakalabas sa CVMC ang unang inobserbahan na may sintomas ng nCoV.

Gayonman, nilinaw ni Atal na hindi maikokonsiderang person under investigation (PUI) ang 25-anyos na babae dahil hindi umano sapat ang mga nakitang sintomas para tawagin itong PUI ng nCov.

Aniya, bagamat nakitaan ng sintomas ng naturang virus ang naturang babae hindi umano pasok sa criteria para maikonsidera itong PUI.

Sinabi ni Atal na may ginagamit umanong decision tool ang epidemiology and surveillance unit upang masabi na affected ng nCov ang isang indibidwal.