Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa mga bibiyahe ngayong mahabang weekend ngayong Undas na obserbahan ang road courtesy at manatiling kalmado para maiwasan ang road rage incidents na posibleng humantong sa sakitan.

Ginawa ni Health Secretary Ted Herbosa ang paalala nang magsagawa siya ng inspeksyon sa emergency tents sa South Luzon Expressway bilang bahagi ng paghahanda ng DOH sa pagdagsa ng mga bibiyahe ngayong Undas.

Sinabi ni Herbosa na mahalaga na dalhin ang mga gamot, pero iwan ang init ng ulo sa mga bahay, dahil tiyak ang trapiko dahil lahat ay gustong makauwi.

Kasabay nito, sinabi niya na ang mga magtatamo ng traffic injuries ay maaaring mag-avail sa zero-balance billing ng pamahalaan.

Itinaas ng DOH ang code white alert sa kanilang central office at centers for health development ngayong Undas.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ilalim ng alert status, lahat ng medical personnel, lalo na ang nasa emergency rooms at critical care units na maging handa para sa potensiyal na pagtaas ng mga pasyente dahil sa mga aksidente, injuries, o iba pang other health-related incidents na posibleng mangyari.