Patuloy pa rin ang border at health surveillance ng DOH Bureau of Quarantine (BOQ) sa lahat ng paliparan at pantalan sa bansa upang mapigilan ang pagpasok ng Ebola disease na dulot ng Bundibugyo virus.

Ipinatupad ang paghihigpit at pagpapalakas ng information campaign matapos ideklara ng World Health Organization (WHO) na isang Public Health Emergency of International Concern ang Ebola dahil sa mga naitalang kaso sa Democratic Republic of Congo (DRC) at Uganda.

Nilinaw naman ng Department of Health (DOH) na sa kasalukuyan ay nananatiling ligtas at walang anumang kaso ng naturang sakit sa Pilipinas.