Umaabot pa lamang sa 13.87% na mga bata ang nabigyan ng Department of Health ng bakuna para sa Japanese encephalitis sa lambak ng Cagayan.
Nabatid Kay George Makera, program manager ng DOH RO2 na nasa mahigit 51,000 pa lamang ang bilang ng mga nabakunahan sa rehiyon mula sa target na mahigit 370,000.
Ang naturang bilang ay mula nang ilunsad nag kagawaran ang immunization program noong nakaraang buwan.
Sinabi ni Makera na nabigo ang karamihan sa mga lokal na pamahalaan sa implementasyon ng JE vaccine habang hindi ito tinanggap ng ilan.
Target ng kampanya na mabakunahan ang mga batang 9 buwan hanggang bago mag-5 taong gulang.
Ang JE ay nakukuha sa Culex, isang uri ng mosquito o lamok na namamahay sa mga water pool at mga baha malapit sa palayan.
Ilan sa mga sintomas nito ay mild fever o lagnat, at headache o sakit sa ulo.