Nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng 28 firework-related injuries sa buong bansa.

Sa advisory ngayong December 25, sinabi ng DOH na ang walong bagong mga kaso ay naitala sa pagitan ng Dec. 21 hanggang Dec. 25.

Sa datos, 68 percent ng mga biktima ay edad 19 at pababa.

Karamihan sa mga biktima ay nagtamo ng injuries mula sa Boga, 5-star, at Triangle.

Sa kabila nito, sinabi ng DOH na ang record ay mababa pa rin ng 50 percent kumpara sa 58 cases sa araw ng Pako noong 2024.

-- ADVERTISEMENT --

Ang datos na inilabas ng ahensiya ay mula sa nakalap mula sa 62 sentinel hospitals na minomonitor para sa firecracker-related injuries.

Ang monitoring ng DOH sa bilang ng firecracker-related incidents ay hanggang January 5, 2026 bilang bahagi ng kanilang holiday monitoring.

Ang pag-iwas sa mga paputok ay kabilang sa “bad habits” na ibinababala ng ahensiya sa kampanya para sa mas ligtas na holiday season.