TUGUEGARAO CITY- Dalawa na ang naitalang namatay dahil sa dengue sa Region 2 ngayong taon.
Sinabi ni Dr. Romulo Turingan, head ng infectious disease cluster ng Department of Health o DOH Region 2 na ang mga nasawi dahil sa nasabing sakit ay dalawang lalaki na edad 46 at 48.
Kasabay nito, sinabi ni Turingan na tumaas ng 385 percent ang kaso ng ng dengue mula buwan ng Enero hanggang ngayong Abril o kabuuang bilang na 720 kumpara sa kaso noong 2021 na 150.
Ayon kay Turingan, nagkakaroon ng clustering ng pagtaas ng kaso sa rehion kung saan ang pinakabatang tinamaan nito ay siyam na buwan at ang pinakamarami ay isa hanggang 10 taong gulang.
Sinabi ni Turingan na posibleng sa mga bakuran din nakuha ng mga bata ang dengue dahil sa hindi pa naman sila pinapayagan na makalabas dahil sa covid-19 pandemic.
Dahil dito, payo ni Turingan na panatilihing malinis ang ating kapaligiran o linisin ang mga lugar na maaaring gawing breeding sites ng mga lamok na nagdadala ng virus.