Binilinan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Health na magpatupad ng mga hakbang upang maiwasan o mapigilan ang pagdami pa ng mga nakakahawang sakit tulad ng mpox, leptospirosis, at dengue.
Sinabi ni Dr. Glenn Matthew Baggao, undersecretary ng DOH na ito ay sa ipinatawag na pulong ni Marcos sa Malacañang.
Kaugnay nito, sinabi ni Baggao na naka-confine pa ang isang lalaki na nagpositibo sa mpox.
Batay sa pahayag ng lalaki, pumunta umano siya sa isang spa at nagpamasahe at may nakaniig umano na kapwa niya lalaki.
Dahil dito, patuloy ang ginagawang back tracing sa mga taong nakaugnayan ng lalaki upang matiyak na walang ibang nahawaan.
Samantala, sinabi ni Baggao na umaabot na sa mahigit 150,000 ang kasa ng dengue dito sa bansa habang 2,700 na ang kaso ng leptospirosis at 270 ang namatay.
Gayonman, sinabi ni Baggao na wala pang basehan para magdeklara ng dengue outbreak sa bansa.
Dahil dito, sinabi ni Baggao na inatasan sila nng Pangulong Marcos na tiyakin na naipatutupad ang mga nararapat na hakbang laban sa mga nasabing sakit.