Nagpayo ang Department of Health o DOH Region 2 na maging maingat din sa iba pang sakit ngayong matindi ang init ng panahon.

Sinabi ni Aisha Rowena Arce, head ng communicatons management unit ng DOH Region 2 na bagamat higit na kailangan na tiyakin na hindi makakaranas ng heat exhaustion, heat cramps at heat stroke ay kailangan din na maging maingat sa iba pang sakit tulad ng dengue, diarrhea, at sore eyes.

Ayon kay Arce, sa unang quarter ng taon ay umabot na sa 502 ang kaso ng diarrhea habang 1, 269 naman ang kaso ng dengue sa Region 2.

Samatala, sinabi ni Arce na dalawa ang naitala na kaso ng heat exhaustion na mula sa lalawigan ng Quirino.

Sinabi niya na dahil new normal na ang mataas na temperatura, patuloy ang pagpapaigting nila ng information dessimination sa mga dapat gawin upang makaiwas sa mga heat related illnesses.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod dito, sinabi niya na pinapabuti na rin nila ang lahat ng health facilities upang makatugon sa anomang mga insidente bunsod ng climate change.