TUGUEGARAO CITY-Pinag-iingat ng Department of health (DOH) ang publiko sa kanilang mga kinakain kasabay ng kaliwa’t kanang kainang ngayong Holiday Season.

Bukod sa pagbabawal ng paputok, naglabas din ng holiday food safety tips ng DOH kung saan pinaiiwas ng kagawaran ang publiko sa labis na matataba, maaalat at matatamis na pagkain.

Paalala pa ng ahensiya na sa halip na alak, uminom na lamang ng tubig at fresh fruit juice.

Binigyan diin ng DOH, sa pamamagitan ng pag-iwas ng pag-inom ng alak ay maaalagaan ang atay.

Kaugnay nito, sinabi ng DOH na kumain din ng gulay at prutas para mapanatili ang malusog na pangangatawan ngayong holiday season .

-- ADVERTISEMENT --

Dagdag pa ng DOH, basahing mabuti ang label ng mga binibili at suriin ang expiration date para makaiwas ang food poisoning.