TUGUEGARAO CITY-Patuloy na umaapela ang Department of Health (DOH)-Region 2 sa mga private hospital na maglaan ng 20 percent bed capacity para tumanggap ng mga pasyenteng positibo sa coronavirus disease 2019 (covid-19).
Ayon kay Regional Director Dr. Rio Magpantay ng DOH-R02, punuan na ang covid ward ng mga referral hospital sa rehiyon dahil sa biglaang pagtaas ng mga nagpopositibo sa virus.
Aniya, bagamat may mga ilang pribadong ospital na tumatanggap ng mga covid-19 patients, kailangan pa rin nila ang tulong ng iba pang pribadong pagamutan dahil patuloy na tumataas ang kaso ng nakakahawang sakit sa rehiyon.
Samantala, hindi pagsunod sa mga nakalatag na health protocols ang nakikitang dahilan ni Magpantay sa biglaang pagtaas ng mga nagpopositibo sa virus.
Nagpakampante umano ang karamihan kung kaya’t mabilis na kumalat ang virus sa komunidad.
Dahil dito, muling nagpaalala si Dr. Magpantay sa publiko na panatiling sumunod sa mga health protocols hindi mahawaan sa nakamamatay na virus.