TUGUEGARAO CITY-Kinumpirma ng Department of Health DOH-Region 2 ang kauna-unahang positibo sa coronavirus disease (COVID-19 )sa Cagayan.
Sinabi Dr. leticia Cabrera ng DOH-Region 2,positibo sa virus ang PH275 na isang 44-anyos, residente sa lungsod ng Tuguegarao at isang Government employee.
Ayon kay Cabrera, Marso 11, 2020 dumating sa lungsod ng Tuguegarao ang pasyente galing sa kalakhang Maynila kung saan nakaramdang ng paghirap sa paghinga.
Dahil dito, agad na nagtungo sa Divine Mercy Medical Center ang pasyente ngunit kalaunan ay inilipat sa Cagayan Valley Medical Center ,base na rin sa napagkasunduan na lahat ng mga PUIs ay dadalhin sa CVMC.
Nilinaw din ni Dr. Glenn Mathew Baggao, medical chief ng CVMC na buhay ang pasyente at nasa stable ang kalagayan taliwas sa kumakalat sa social media na siya’y patay na.
Sa ngayon kasalukuyan ang contact tracing ng pamahalaang sa mga nakasalamuha ng pasyente.