Inihayag ng Department of Health o DOH Region 2 na pinalakas nito ang mental health programs bilang tugon sa tumataas na mental health cases sa rehiyon.
Sinabi ni Amelita Pangilinan, director ng DOH Region 2 na isinama na rin ng ahensiya sa surveillance ang mga suicide cases.
Ayon kay Pangilinan, sinanay ang mga rural health units sa pagtugon sa mga mental health issues dahil kakaunti lang ang bilang ng mga psychiatrist na karamihan ay nakabase sa mga urban area.
Dagdag pa nito na mayroon ding sinanay sa mental health management na mga health workers na ide-deploy sa mga eskwelahan na maaaring tutugon o lapitan ng mga kabataan na mayroong kinakaharap na problema para maiwasan na humantong sa pagpapakamatay.
Sinabi ng director na pangunahing trabaho ng mga ito ay makipag-ugnayan sa mga eskwelahan para i-promote ang mental health program ng kagawaran.
Dagdag pa ni Pangilinan na maliban sa mga psychosocial debriefing at counseling ay namamahagi rin ang ahensiya ng mga psychotic drugs sa mga nangangailangan.