TUGEUGARAO CITY-Umaasa ang Department Of Health (DOH)-Region 2 na magne-negatibo ang apat na batang binabantayan na hinihinalang dinapuan ng sakit na polio.

Ayon kay Lexter Guzman ng DOH-Region 2 , inaantay na nila ang laboratory result ng apat na bata na may edad 12 hanggang 17 mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Aniya, mula sa probinsiya ng Isabela ang tatlong bata at isa naman dito sa Cagayan partikular sa bayan ng Alcala kung saan nakitaan ng sintomas ng polio ang mga bata tulad ng panghihina at pamamanhid ng katawan.

Sinabi ni Guzman, magkakaibang araw naipadala ang mga specimen ng mga bata sa RITM kung kaya’t inaasahang sa katapusan pa ng kasalukuyang buwan lalabas ang resulta ng kanilang laboratory

Dagdag pa niya na mula Enero hanggang sa kasalukuyan ay umabot sa 13 ang suspected polio cases sa rehiyon kasama na ang apat na bata at batay sa unang nailabas na resulta ng RITM nagnegatibo sa polio ang 9 na bata.

-- ADVERTISEMENT --

Sakabila nito, sinabi ni Guzman na nananatiling polio-free ang Rehiyon.

Tinig ni Lexter Guzman

Samantala, muling hinimok ni Guzman ang mga magulang na pabakunahan ang mga anak dahil ito lamang ang pinakamabisa at pinakaepektibo para mailayo sa anumang sakit ang mga anak.