TUGUEGARAO CITY-Muling hinikayat ng Department of Health (DOH)-Region 2 ang publiko na mag-donate ng dugo kasabay ng World Blood Donor Month.

Ayon kay Hydie Sunico ng DOH-Region 2, ito’y para mapunan ang kakulangan ng dugo sa mga blood bank sa rehiyon.

Paliwanag ni Sunico, nagkakaroon din umano ng expiration ang mga dugo na nasa blood bank kung kaya’t kailangan itong palitan ng bago at ligtas na dugo.

Bukod dito,sinabi ni Sunico na target din ng kanilang ahensiya na mapataas ang porsyento ng blood collection sa bawat munisipalid.

Aniya,tatlong munisipalidad lamang umano sa Cagayan ang mayroong 1 percent blood collection na kinabibilangan ng Solana, Peñablanca at Baggao habang kalahati lamang umano ng 1 percent ang blood collection ng ibang bayan.

-- ADVERTISEMENT --