TUGUEGARAO CITY-Hindi sumasang-ayon ang Department of Health (DOH)-Region 02 sa pagsasagawa ng face to face class kahit sa mga itinuturing na low risk areas.
Nauna rito, inihayag ng Department of Education (DePed)-Region 02 na ilang Local Government Units (LGUs) na mayroong mababang banta ng covid-19 ang humingi ng limited face to face class sa pagbubukas ng klase sa Agusto 24,2020.
Subalit, inihayag ni Regional Director Rio Magpantay ng DOH-Region 02 na wala kasing kasiguraduhan na walang mangyayaring local transmission sa mga low risk areas dahil patuloy ang pag-uwi ng mga Locally Stranded Individual(LSIs).
Sa pinakahuling datus ng kagawaran ng kalusugan sa Rehion, sa 299 na kabuuang kumpirmadong kaso, 151 dito ay mga Locally Stranded Individuals (LSIs), 63 ay returning overseas Filipino Workers , 32 ang frontliners o mga health workers at 53 ang local o walang travel history.
Sa ika-limang State of the Nation Address (SONA), nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na papayagan ang face-to-face classes sa January 2021 pa.
Inihayag ng pangulo na hindi niya hahayaang malagay sa panganib ang buhay ng mga estudyante at guro sa banta ng COVID-19.with reports from Bombo Marvin Cangcang