Pinangunahan ni Undersecretary Glen Mathew Baggao ng Department of Health (DOH) ang Drug abuse prevention and control week interagency summit na ginanap dito sa lungsod ng Tuguegarao.
Sa kanyang talumpati, binigyang diin nito na hindi lang criminal issue ang pagkalulong sa illegal na droga kundi isa rin itong health issue na nangangailangan ng care at compassion.
Sinabi ni Baggao na batay sa ulat ng World Health Organization, 35 billion ang mga gumagamit ng ilegal na droga sa buong mundo subalit napakaliit ang bilang ng nakakatanggap ng treatment.
Dagdag pa ng opisyal na nakakaranas ng matinding issue gaya ng mental health challenge at socio economic stability ang mga sangkot dito kung walang suporta mula sa komunidad kung paano ito matugunan.
Kaugnay nito ay iginiit ni Baggao na kailangan simulan ang drug prevention sa pamamagitan ng pag address ng root causes kung bakit
nasasangkot dito ang vulnerable sektor gaya ng mga kabataan at marginalized sector.
Binigyang diin nito ang kahalagahan ng edukasyon sa usaping prevention o pag iwas sa pagkalulong sa ipinagbabawal na gamot.