TUGUEGARAO CITY-Hinihikayat ng Department of Health Region 2 ang publiko na maging community based screening motivator para sa mga posibleng may HIV.
Sinabi ni Dan Reyes ng nasabing tanggapan na layunin nito na mapalakas pa ang kanilang kampanya laban sa HIV at mahikayat ang mga mayroong ganitong sakit na sumailalim sa screening.
Ayon sa kanya, marami pa rin kasi umano sa mga posibleng may HIV ang natatakot o nahihiya na sumailalim sa screening.
Sinabi ni Reyes na ang mga gustong maging CBS motivator ay isasailalim sa training at examinations upang maging epektibo sila sa kanilang trabaho.
-- ADVERTISEMENT --