TUGUEGARAO CITY-Nilinaw ng Department of Health na hindi prayoridad na mabigyan ng dugo ang mga card holder donors kung sila ay hihiling.

Sinabi ni Heidi Sunico ng DOH Region 2 na ang ibinibigay na ang card ay paalala kung kailan maaaring magdonate ng dugo ang isang donor.

Gayonman, sinabi ng opisyal na prayoridad naman nilang hanapan ng dugo ang mga laging nagdo-donate na dugo.

ang tinig ni Sunico

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sinabi ni Sunico na hindi na nila saklaw ang monitoring sa mga nagbebenta ng kanilang dugo para sa isang pasyante.

Ayon sa kanya, bahala na dito ang mga blood bank dahil sila ang may record sa mga nagdo-donate ng dugo.

Sinabi niya na ang mga blood bank na ang hindi tatanggap ng mga blood donors na disqualified.

Samantala, sinabi ni Sunico na muling magbibigay ng Sandugo Award ang kagawaran ngayong taon.