TUGUEGARAO CITY-Sinimulan na ng Department of Health(DOH) ang pagsasagawa ng bakuna sa japanese encephalitis vaccine dito sa rehiyon dos.

Ito’y matapos mapasama ang rehiyon sa tinukoy ng DOH central office na pilot areas na mabibigyan ng nasabing bakuna dahil sa mga naitalang kaso ng japanese encephalitis, isang sakit na mula sa kagat ng “culex” mosquitoes.

Bagamat libre,sinabi ni Lexter Guzman ng DOH region II, hirap parin umano ang kanilang ahensiya sa paghikayat sa mga magulang na ipabakuna ang kanilang mga anak dahil sa naging isyu ng Dengvaxia vaccine.

Kaugnay nito ,tiniyak ni Guzman na ligtas ang nasabing bakuna dahil ginagamit na umano ito sa ibang bansa at aprubado ng DOH.

Nabatid na regular nang mababakunahan ng JE vaccine ang mga batang 9 months hanggang 59 months para sakanilang kaligtasan.

-- ADVERTISEMENT --

Una rito,nakapagtala ang DOH ng 48 cases noong nakaraang taon dito sa rehiyon dos kung saan dalawa ang kumpirmadong patay habang tatlo naman ang laboratory confirmed mula sa lalawigan ng Isabela ngayong taon.