Inihayag ng Department of Justice (DOJ) at Department of the Interior and Local Government (DILG) na wala pa silang natatanggap na anumang dokumento mula sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng umano’y arrest warrant laban kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa.

Lumabas ang isyu matapos ipahayag

ni dating presidential spokesperson Harry Roque sa social media na mayroon nang inilabas na warrant ang ICC. Nilinaw ng DOJ na hindi pa beripikado ang naturang pahayag at wala silang opisyal na dokumentong pinanghahawakan.

Iginiit din ng ahensiya na ang pagsubaybay sa kinaroroonan ng senador ay tungkulin ng mga law enforcement at intelligence units.

Sa panig ng DILG, sinabi nitong maaari pang kinakailangan ng beripikasyon ang naturang impormasyon at magbibigay lamang sila ng kumpirmasyon kapag may natanggap nang opisyal na dokumento.

-- ADVERTISEMENT --

Patuloy ang hindi pagdalo ni dela Rosa sa Senado mula noong Nobyembre 11, matapos lumutang ang impormasyon na may inilabas umanong warrant ang ICC kaugnay ng war on drugs ng nakaraang administrasyon.