Handa ang Department of Justice (DOJ) na suriin ang mga legal na kasunduan kaugnay ng Pax Silica initiative kung kakailanganin, habang patuloy ang mga usapin sa naturang proyekto.

Ayon kay DOJ Undersecretary Nicholas Ty, pangunahing sakop ng mga economic agencies tulad ng Department of Trade and Industry at Department of Economy, Planning, and Development ang proyekto, ngunit maaaring magkaroon ng papel ang DOJ sa pagsusuri ng mga kasunduan at legalidad nito.

Ang Pax Silica Hub ay isang planong high-tech industrial zone sa New Clark City, Tarlac, na bahagi ng pakikipagtulungan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Kinuwestiyon naman ng ilang environmental groups ang posibleng malaking konsumo ng enerhiya at tubig ng proyekto, pati ang epekto nito sa mga magsasaka at katutubong grupo.

Iginiit naman ng pamahalaan na magbibigay ito ng trabaho at dagdag na kita.

-- ADVERTISEMENT --