Napili ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Department of Justice (DOJ) Jesus Crispin Remulla bilang bagong Ombudsman.

Siya ay magsisilbi ng pitong taon hanggang 2032.

Tinalo ni Remulla ang anim na iba pang kandidato na nasa shortlist, kabilang ang bigatin na contenders tulad ni Philippine Competition Commission chairperson Michael Aguinaldo.

Bilang bagong ombudsman, hahawakan ni Remulla ang isang malakas na kapangyarihan.

Pamumunuan niya ang constitutional body na magsasagawa ng prosecution, magsuspindi, magtanggal, at maghain ng criminal cases laban sa mga tiwaling mga opisyal ng pamahalaan.

-- ADVERTISEMENT --

Pinalitan ni Remulla ang appointee ni dating Rodrigo Duterte na si dating Ombudsman Samuel Martirez na nagretiro noong Hulyo ngayong taon.

Ang appointment ni Remulla ay sa gitna ng crackdown ng pamahalaan laban sa korupsyon sa flood control projects.

Maaaring imbestigahan at magsagawa ng prosecution si Remulla sa mga opisyal at mga empleyado ng pamahalaan na sangkot sa nasabing eskandalo.