Isasaalang-alang ng Department of Justice o DOJ ang kabuuang pangyayari, kredibilidad at motibo ni dismissed policeman Rodulfo Gracioso Jr. sa pagsusuri sa kanyang affidavit.

Ayon kay Justice Secretary Fredderick Vida, kailangan munang ma-verify at ma-validate ang mahahalagang detalye sa pahayag ni Gracioso, kabilang ang kanyang alegasyon na naghatid siya ng mga bag ng pera sa mga miyembro ng pamilya Duterte sa umano’y utos ni dating House Speaker Lord Allan Velasco.

Sinabi ni Gracioso na naghatid siya ng pera kina Vice President Sara Duterte at Davao City 1st District Representative Paolo Duterte. Sa panayam naman, sinabi niyang naghatid din siya ng pera kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Itinanggi ni Sara Duterte na kilala niya si Gracioso o nakatanggap siya ng pera mula rito. Itinanggi rin ng kampo ni Velasco ang mga alegasyon.

Samantala, sinabi ng DOJ na wala pang usapan tungkol sa paglalagay kay Gracioso sa Witness Protection Program dahil kailangan munang mapatunayan ang mga materyal na detalye ng kanyang pahayag.

-- ADVERTISEMENT --