Nagbitiw si Department of Justice (DOJ) Undersecretary Jose “Jojo” Cadiz Jr. matapos na idawit siya na “bagman” sa maanomalyang flood control projects.

Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, sa kanyang pagkakaalam nagsumite ng kanyang resignation si Cadiz.

Idinawit si Cadiz ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co na tumanggap umano ng cash kickbacks na para umano kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Batay sa alegasyon ni Co, tumanggap siya ng utos mula kay dating House Speaker Martin Romualdez na ibigay ang pera kay Cadiz, na siya ang may access sa drop-off point malapit sa residensiya ni Marcos.

Kaugnay nito, tumangging kumpirmahin ni Castro kung si Cadiz ay associate o aide ng Pangulo.

-- ADVERTISEMENT --

Una rito, sinabi ni DOJ acting Secretary Fredderick Vida na hindi apektado ang ginagawang imbestigasyon ng DOJ sa nasabing mga alegasyon.

Una na ring pinabulaanan nina Romualdez at Marcos ang mga alegasyon laban sa kanila.