Mahigit 216,144 na trabaho mula sa 2,281 employer, lokal man o overseas, ang iaalok ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa isasagawang 69 job fairs sa buong bansa bilang bahagi ng pagdiriwang ng 123rd Labor Day sa Mayo 1.

Ang hakbang na ito ay alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing regular na programa ang job fair upang matulungan ang mga Pilipinong naghahanap ng trabaho.

Makikilahok sa job fair ang mga kilalang kumpanya sa sektor ng retail, pagkain, serbisyo, at hotel.

Hinikayat ng DOLE ang publiko na makipag-ugnayan sa mga Public Employment Service Office (PESO) o regional offices para sa kompletong detalye ng mga bakanteng posisyon at venues ng job fair.