Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) na dapat maibigay nang on time ang final pay ng mga empleyado, at Certificate of Employment (COE).

Batay sa mga records ng DOLE, ang isyu ng final pay ang pinakakaraniwang labor standards concern ngayong taon.

Mula umano sa bilang 168,853 na mga natanggap nila, 23,496 dito ang tungkol sa huling sahod.

Dahil dito, nagbabala si Labor Secretary Bienvenido Laguesma na sino mang mga employers ang magde-delay ng final pay at employment records ay lumalabag sa batas, at maaaring maharap sa mga reklamo at penalties.

Mababatid na batay sa Labor Advisory No. 06, Series of 2020, dapat ay maibigay ang final pay ng worker sa loob ng 30 araw matapos nilang umalis, maliban na lang kung may ibang polisiya ang kumpanya; habang ang COE naman ay dapat maibigay 3 araw matapos itong hingin ng employee.

-- ADVERTISEMENT --

Idiniin ng DOLE na dapat ay mahigpit na sumunod sa mga company standards, dahil ang hindi pagsunod dito ay maaaring mauwi sa pormal na mga reklamo.